March 26, 2011 (bago pa mag Earth Hour..)
Habang ako'y nanonood mg MMK mag-isa!
Maganda ang kwento.... hmmmmmm...
Ng bigalng umupo sa likod si Itay...
nanood ng mabuti at nagtanong...
Itay: Si Bangs yan?
Ako: uhm!
lumayas bigla si itay... pumunta sa kwarto!
makalipas ang ilang sandaling minuto, bumalik sa pwesto niya...
at nagtanong ulit..
Itay: Si Bangs yan noh?
Ako: u-uhm!
(mukhang di ata ako naririnig... bopbop sayo Itay)
nang biglang may dumating na bisita... nagsauli ng plastik na lamesa na hiniram nila mula sa amin!
at si Itay ang sumalubong sa kanila!
pagkatapos, eh naupo ulit sa likod ko...
Itay: Si Bangs...si Bangs ba yan?
Ako: oo nga...
(di nga talaga ako narinig! o_0 )
Itay: ah! hindi naman yan siya maganda... wala na siyang bangs!
~haaaaayy! ikaw na Itay! Ikaw na! Ikaw na, na hindi na nagandahan kay bangs dahil wala na siyang bangs!
Itay naman, nag move on na yan!!hahahahaha!!!~
tapos/theEnd/ah-um.
P.S.
Si Itay kasi ay tagasubaybay noon ng teenseryeng panghapon ng ABS na "Let's Go!" kaya ganyan na lang maka-react! saan ka pa? :)
kaloka ate! pero nakakatuwa maka bangs din ako sa let's go nun pati maka charee pero hindi ko na feel si bengs ngayon! ahahaha *gulong*
TumugonBurahin