Huwebes, Marso 31, 2011

Pangatlong kwento na po, at ito'y pinamagatang "Pasan ko ang gasul!"


March 30,2011
7:59 ng umaga ng ako'y magising, ngunit di pa bumabangon ha!
Daydream muna...

Ng biglang may nagbukas ng pintuan ng kwarto namin....

Si Itay....

~haaaaaaaaaaayy.. ano na naman kaya kailangan nito, ang aga aga ha.. brrrrt!~

Itay: Gising na Maris... may bibilhin tayo, samahan mo ako.


sa aking isip....
mygulay! Itay naman eh!
ano naman kaya bibilhin namin....aaaaahh!
alam ko na.. GASUL! ----


konting backstory.
nung umalis ang kapatid ko at asawa niya pa-probinsya, eh ako na ang kasa-kasama ni Itay sa pagbili ng gasul....




imagine! sa edad kong toh, ako ang companion ni Itay sa pagbili ng ganitong kasangkapan sa kusina!
at naka motorsiklo pa kame ha!


oh well...
pangatlong beses ko naman siyang sinasamahan eh!
di naman nakakahiya, depende na lang kung may makakitang crush ko!


di ko yun ikakaganda!


at dahil malaking tao ang aking Itay, literal na pasan pasan ko ang gasul sa aking mga precious hita...
owmygawd di ba???!






:)




pagsubok lang pag nakabili na kame ng bagong Gasul, dahil ito'y napakabigat!
11 kilos lang naman!


phew! buti na lang malakas ka sakin Itay eh!

Sabado, Marso 26, 2011

Pangalawang kwento na pinamagatang "Si Bangs. Ang bangs."

March 26, 2011 (bago pa mag Earth Hour..)


Habang ako'y nanonood mg MMK mag-isa!
Maganda ang kwento.... hmmmmmm...


Ng bigalng umupo sa likod si Itay...
nanood ng mabuti at nagtanong...


Itay: Si Bangs yan?


Ako: uhm!


lumayas bigla si itay... pumunta sa kwarto!
makalipas ang ilang sandaling minuto, bumalik sa pwesto niya...
at nagtanong ulit..


Itay: Si Bangs yan noh?


Ako: u-uhm!
(mukhang di ata ako naririnig... bopbop sayo Itay)


nang biglang may dumating na bisita... nagsauli ng plastik na lamesa na hiniram nila mula sa amin!


at si Itay ang sumalubong sa kanila!


pagkatapos, eh naupo ulit sa likod ko...


Itay: Si Bangs...si Bangs ba yan?


Ako: oo nga...
(di nga talaga ako narinig! o_0 )


Itay: ah! hindi naman yan siya maganda... wala na siyang bangs!




~haaaaayy! ikaw na Itay! Ikaw na! Ikaw na, na hindi na nagandahan kay bangs dahil wala na siyang bangs!

Itay naman, nag move on na yan!!hahahahaha!!!~









tapos/theEnd/ah-um.





P.S.
Si Itay kasi ay tagasubaybay noon ng teenseryeng panghapon ng ABS na "Let's Go!" kaya ganyan na lang maka-react! saan ka pa? :)

Huwebes, Marso 24, 2011

ANG ADVENTURES KO AT NI ITAY...

(Claimer: Lahat ng pangyayari sa munting kwentong ito ay tunay na tunay! Mismong naganap! Though may konting dagdag-bawas para ako ang bidang bida.bwahahaha! Ito'y pagmamay-ari ko okay? Galing sa akin at mula sa kinaibuturan ng aking puso, dahil kung mula sa puso ay tunay na ganyan.... Kaya read-on at wag mahiyang magcomment!)



1st Kwento... na pinamagatang "Ang ulam na may gata."
March 24, 2011 ..around 10am!

Ako'y kumakain ng aking almusal... 6 na pirasong biscoho at kape, yung "yuuuummy!" ...
Hmmmm... ang sarap sarap naman...
Nang biglang dumating ang aking itay. May pinatong sa lamesa, isang plastik ng halu-halong gulay ang laman!
Ito'y aking pinagmasdan...

Itay: Lutuin mo ito..yung may gata!

Ako: Ngee... hindi nga ako marunong!
(tsee!!bahala sayo! - sabi ko sa aking isipan :D )

Itay: Hindi ka marunong?

Ako: (paulit-ulit itay??!) Hindi nga oy! Si Grasya na lang! (kapatid ko po, itago na lang natin siya sa pangalang yan)

Pumunta sa ref si itay...at tuluyan ng lumayas! iniwan akong mag-isa!
Haaaayy salamat! Malalasap ko na ng mabuti ang almusal ko!

Makalipas ang ang tatlong minuto, bumalik si Itay!

~mygawd! ano na naman!!~

Kinuha ang plastik na may gulay na nasa lamesa pa rin...

Itay: Gawa kayo ng tinola ngayon! Bukas na lang toh lutuin!
(sabay bukas ng ref, at itinago roon!)

Ako naman ay napa moony-moony!

~Bukas? haler? as if matutunan ko na kung pano gawin yung gata na ulam mo!
Ewan ko sayo itay!~








--------------------

Subaybayan niyo po ang aking kwento sa "Adventures ko at ni itay"...
Kung may mga kaganapan between sa amin, eh malugod kong ilalahad dito!!hihi